Isinusulong ni House Committee on Agriculture Chair at Quezon 1st District Rep. Mark Enverga ang paglalagay ng beterinaryo sa bawat munisipalidad sa buong bansa.
Ayon kay Enverga, kailangang amyendahan ang Local Government Code (LGUs) dahil mahalaga ito hindi lamang para sa ASF sa ngayon kundi sa mga iba pang sakit na maaaring pumasok sa bansa.
Paliwanag pa ng kongresista, kailangang magsimula sa musipalidad kaya mahalaga na magkaroon ng beterinaryo para masuri nila ang mga lumalaking babuyan sa kanilang lugar.
Idinagdag pa niya na 44 sa 1,489 munisipalidad sa bansa ang mayroong beterinaryo dahil sa Local Government Code o Republic Act 7160 kung saan nakasaa na tanging mga lalawigan at siyudad lamang ang may beterinaryo.
Kaya mahalaga umano na amyendahan ang nasabing batas at dapat makaroon ng “Animal Disease Act” na magpaparusa sa mga nagtatapon ng patay na hayop na may nakakahawang sakit.
Dapat anyang gayahin ang lokal na pamahalaan ng Marikina na nagtatakda ng parusa sa pagtatapon ng mga hayop na may nakakahawang sakit.