Yellow warning itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Itinaas ng PAGASA ang yellow warning sa Metro Manila dahil sa nararanasang patuloy at malakas na pag-ulan.

Sa inilabas na abiso, alas 8:00 ng gabi ng Huwebes, Sept. 19, maliban sa Metro Manila ay sakop din ng yellow warning ang Cavite, Rizal, Zambales, Bataan, at Laguna.

Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga flood-prone areas

Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Batangas, at Quezon.

Read more...