Manny Pacquiao hinamon ni Bob Arum na labanan si Mayweather o magretiro na lang

Inquirer file photo

Nais na ni boxing promoter Bob Arum na magretiro sa boxing ang Filipino boxing legend at Senador Manny Pacquiao.

Sa isang panayam, sinabi ni Arum na malapit nang maging kwarenta y uno anyos si Pacquiao at hindi aniya ito makakabuti para sa senador.

Sa maraming taon na pag-promote ng mga laban ni Pacquiao, hindi aniya matatawaran ang pagiging mabuting tao at boksingero nito.

Ngunit, hindi aniya makabubuti para sa kalusugan ni Pacquaio kung magkakaroon pa ng susunod na boxing match.

Inihalimbawa pa ni Arum ang huling laban ni Pacquiao kontra kay Keith Thurman.

Nanalo nga aniya ang Filipino boxer ngunit ang mga tinamong tama nito ay posibleng makaapekto sa kaniyang buhay.

Samantala, iginiit ni Arum na kung muling makakaharap ni Pacquiao si Floyd Mayweather, maaari aniya itong gawin saka magretiro.

 

Ngunit kung hindi, dapat na aniyang magretiro si Pacquiao sa boxing.

Matapos ang laban kay Thurman, wala nang nakapilang boxing match si Pacquaio ngayong 2019.

Read more...