DOJ handa na sa pagtugis sa mga preso na nakinabang sa GCTA law

Nagtakda ang Department of Justice (DOJ) ng oras para sa mga maagang napalayang convict na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen o heinous crimes.

Maagang napalaya ang nasa halos dalawang libong convict na sangkot sa heinous crimes sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay DOJ Undersecretary Mark Perete, binigyan lamang ng hanggang alas onse singkwenta y nuwebe ng gabi ang mga convict para sumuko sa mga otoridad.

Aniya, matapos ang nasabing oras, magiging epektibo na ang muling pag-aresto sa mga nasabing convict.

Magbibigay aniya ang kagawaran sa Department of Interior and Local Government (DILG) ng listahan ng pangalan ng mga persons deprived of liberty.

Kalakip aniya nito ang larawan at iba pang detalye sa convict para matiyak na tama ang mga maaaresto ng mga otoridad.

Read more...