Magalong: Ilang PNP officials sabit sa pagre-recycle ng droga

Inquirer photo

Ibinunyag ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may ilang mga dati at kasalukuyang miyembro ng iba’t ibang law enforcement agencies ang sangkot sa pagre-recycle ng mga nakukumpiskang iligal na droga.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado ng kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, idinetalye ni Magalong kung paanong binabawasan ang mga nakukumpiskang droga ng mga otoridad.

Bukod sa pagre-recycle ng mga kumpiskadong droga ay sabit rind aw sa kidnapping ang ilang mga pulis kung saan ay ipinatutubos pa sa mga miyembro ng sindikato ang ilan sa mga nahuhuling drug personality.

Tinawag na “agaw bato” ni Magalong ang nasabing gawain ng ilang tiwaling alagad ng batas.

Base sa kanyang ginawang pag-iimbestiga, sinabi ng dating heneral ng PNP na malaya pa ring nakakagawa ng kanilang iligal na gawain ang ilang drug lords sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa pagbibigay nila ng pera sa ilang tiwaling prison officials.

Dahil dito ay nagsagawa ng executive session ang Senate Blue Ribbon Committee at doon ay idinetalye ni Magalong ang pangalan ng mga opisyal ng PNP na posibleng sabit sa droga.

Read more...