Operasyon ng MRT-3 pinag-aaralang palawigin kapag holiday season

Pinag-aaralan ng Metro Rail Transit – 3 na palawigin ang operasyon ng mga tren kapag holiday season.

Tumataas kasi ang bilang ng mga pasahero kapag hoilyda season na o mula Nobyembre hanggang Disyembre.

Ayon kay MRT-3 Director Michael Capati, sa ngayon ipinag-aaralan nila kung palalawigin o hindi ang operasyon ng kanilang mga tren.

Kailangang ikunsidera ayon kay Capati ang gagawin nilang pagpapalit ng riles ng MRT-3 na uumpisahan sa Nobyembre.

Simula sa Nobyembre, magsasagawa ng pagpapalit ng riles sa MRT-3 mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 3:00 ng madaling araw o sa mga oras na walang biyahe ang tren.

Read more...