Dalian trains bibiyahe na sa MRT-3 ngayong buwan

Tatlong sets ng Dalian trains ang bibiyahe na sa MRT-3 ngayong buwan.

Ayon kay MRT-3 Director Michael Capati, ginagawa na nila ngayon ang lahat para mapabiyahe ang Dalian trains sa lalong madaling panahon.

Hinihintay na lamang nila ang go signal mula sa maintenance provider na Sumitomo Corporation, Mitsubishi Heavy Industries (MHI), TES Philippines (TESP), at sa Department of Transportation (DOTr) bago ang pormal na deployment.

Ayon kay Capati, handa na para sa pagbiyahe ang tatlong train sets.

Sa sandaling mai-deploy na ang Dalian trains sa MRT-3 makapagsasakay ito ng 10,000 hanggang 20,000 pasahero kada araw.

Sinabi ni Capati na ang mga tren ng Dalian ay sumailalim lahat sa testing at nakapasa ang mga ito sa 1,000-kilometer commissioning test.

Read more...