Sa Facebook page ng Rainbows in Asia Music Festival’s (RAMF), nag-post ng video ang Korean promoter para sabihin na postponed ang concert.
Ang concert na may pamagat na “2019 K-pop Super Concert” ay naka-schedule sa September 21 sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan.
Hindi naman nagbigay ng detalye kung kailan itutuloy ang nasabing concert.
Kabilang sa nakatakdang mag-perform ang boy group na Winner, AB61X, MAMAMOO at ang OH MY GIRL.
Kasama din sa concert ang dating miyembro ng 2NE1 na si Park Bom at ang Fil-Am K-pop artist na si Kriesha Chu.
Pinapayuhan ang mga nakabili na ng ticket na makipag-ugnayan sa Ticketworld.
MOST READ
LATEST STORIES