Mapua University binulabog ng bomb threat; klase ngayong araw sinuspinde

Binulabog ng bomb threat ang Mapua University ngayong araw.

Sa post sa official Twitter Account ng unibersidad, sinuspinde ang klase sa Makati at Intramuros campus.

Inatasan ang mga estudyante at lahat ng empleyado ng dalawang campus na lumabas sa paaralan at ipinasailalim sa pagsusuri ng bomb squad ang palibot nito.

Hindi naman idinetalye sa post sa Facebook at Twitter ng unibersidad ang hinggil sa tinanggap na bomb threat.

Ayon pa sa abiso, gagawin na lamang online ang klase ngayong araw at sinabihan ang mga estudyante na mag-access sa kanilang “Blackboard” accounts.Inatasan ang mga estudyante at lahat ng empleyado na lumabas sa paaralan dahil sa bomb threat.

Read more...