Clearing operations sa Tondo, Maynila pinangunahan ni Mayor Isko Moreno

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang road clearing operations sa ilang bahagi ng Moriones sa Tondo, Maynila.

Dinatnan ni Moreno ang mga kulungan ng manok na panabong at iba pang road obstructions sa nasabing lansangan .

Dismayado si Moreno dahil ginawang tambakan ng kung-anu-anong mga gamit ang center island sa bahagi ng Barangay 123, Zone 9.

Humarap naman kay Moreno ang kapitan ng barangay para magpaliwanag.

Giniba din ang isangh container van na nasa kalsada at ginagamit na barracks ng mga trabahador ng isang contractor.

Nang mabuksan ang container van ay kumpleto ito sa gamit na mayroong may sofa at may kama pa.

Read more...