Dalawang armadong grupo nagkasagupa sa Banisilan, North Cotabato

Nabalot ng takot ang mga residente sa Barangay Busaon sa bayan ng Banisilan, North Cotabato makaraang sumiklab ang sagupaan sa dalawang armadong grupo.

Ayon sa ulat, miyerkules ng umaga nang magsimula ang gulo sa pagitan ng grupo na pinamumunuan ng isang Kumander Tanda Tidong ng Sitio Kinamuran sa Barangay Pantar at ni Kumander Bobby Rajamuda mula naman sa Barangay Buasaon.

Rido o away pamilya ang sinasabing dahilan ng sagupaan ng dalawang grupo.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Bravo Company ng 34th Infantry ng Philippine Army para matigil ang palitan ng putok ng magkabilang panig.

Hindi pa tiyak kung may nasugatan o nasawi sa engkwentro.

Read more...