Nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa Barangay Jonob-Jonob nang dumaan ang mga suspek.
Sinabi ni Police Maj. John Despi, hepe ng Escalante City
police, pinara ang sasakyan ng mga suspek at doon nakita ng mga pulis ang kalibre .45 at .38 na baril, rifle grenades, at petrol bombs.
Sa post sa Facebook page ng grupong Sining na Naglilingkod sa Bayan (Sinagbayan), ay kinondena ang nito ang pangyayari na naganap dalawang araw bago ang paggunita sa Escalante Massacre.
Itinanggi ng grupo na ang mga nakuhang armas ay pag-aari ng mga naaresto.
Ayon sa grupo ang mga naaresto ay pawang miyembro ng lehitimong organisasyon ng Teatro Obrero.
Kabilang sa mga nadakip ay ang mga sumusunod:
Kenneth Serondo (Vice-chairman ng Teatro Obrero)
Carlo Apurado (miyembro)
Rolly Hernando (miyembro)
Reynaldo Saura (miyembro)
Gayundin ang mga oposisyal ng National Federation of Sugar Workers na sina:
Joel Guillero
Leon Charita
Benvenido Ducay
Si KADAMAY Regional Vice-chair Aiza Orbeso at ang driver ng jeep na si Toto Canillo.
Nag-iikot lang umano sa lugar ang mga ito para mag-imbita sa paggunita ng ika-tatlumpu’t apat na taon ng pag-alala sa mga biktima ng madugong masaker sa Escalante.