Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ng Huwebes, Sept. 19, ang Zambales ay nakararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Ganitong lagay din ng panahon ang mararanasan sa susunod na mga oras sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Rizal at Quezon.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES