Pahayag ito ng World Organization for Animal Health o OIE kasunod ng “culling” o pagpatay sa 146 na mga baboy sa Quezon City matapos magpositibo sa ASF ang 11 na baboy sa Barangay Silangan.
Ayon pa sa OIE, umabot na sa 8,000 baboy ang namatay sa Pilipinas mula August 30 hanggang September 12 ngayong taon.
Ang naturang bilang ang halos bumuo sa 8,200 na mga baboy na namatay sa buong Asya habang sa buong mundo ay nasa 10,000 ang nasawi dahil sa ASF.
Ang impormasyon ay nakasaad sa update ng naturang international organization kaugnay ng global monitoring ng nasabing sakit.
Dahil dito ay nanawagan ang OIE sa gobyerno ng tamang pagtatapon ng food waste at umapela ang grupo sa mga magbababoy na huwag pakainin ang kanilang mga alaga nang hindi tamang pagkain para sa baboy bilang tugon sa ASF outbreak.