Ang pondo ay gagamitin para sa biosecurity and quarantine measures; disease monitoring and surveillance; upgrade sa laboratories at iba pang control measures.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo sa Cabinet meeting noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na magpupulong din ang National ASF Task Force (NATF) para sa inter-agency coordination sa tulong ng mga local government units (LGUs) at ng pribadong sektor.
Sa pulong pag-uusapan ang mga gagawing hakbang ng gobyerno para pigilan ang pagkalat ng ASF sa iba pang bahagi ng bansa.
Ang NATF ay pangungunahan ng pangulo bilang chairman at ang DA ay tatayong vice-chair at lead agency.