Lalaking suspek patay matapos manlaban sa mga pulis sa Pasay

File photo

Patay ang isang lalaki na umanoy notoryus na holdaper at tulak ng droga matapos mauwi sa enkwentro ang buy bust operation sa Pasay City.

Ayon sa pulisya, nanlaban ang suspek na si Jeffrey Pilapil sa gitna ng bentahan ng droga sa Barangay 14.

Ikinasa ang operasyon laban kay Pilapil kasunod ng report ng isang informant sa pulisya.

Pero sa gitna ng buy bust ay nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya nagpaputok ito.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nauwi sa pagkamatay ni Pilapil.

Pero duda si Angelica Guerrero na nanlaban ang kanyang kinakasama.

Ayon kay Guerrero, walang baril si Pilapil at bagamat dati itong gumagamit ng droga ay hindi ito nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

 

Read more...