(UPDATE) Nailigtas ang 53 dayuhan sa isang umanoy prostitution den na nasa tatlong palapag na condominium sa Roxas Boulevard sa Parañaque City Huwebes ng madaling araw.
Naaresto naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Special Unit ang 11 na suspek kabilang ang isang Pilipino at mga Chinese na nagsisilbing cleaning assistants, cashiers at manager.
Ang mga nailigtas ay pawang mga Chinese sex workers at karamihan sa mga parokyano ng prostitution den ay mga Chinese nationals din.
Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, ang pagkasagip sa mga dayuhan ay kasunod ng unang nailigtas mula sa lugar na nasa buwan pa lamang ang panahon ng operasyon.
Nabatid na nasa pagitan ng P9,000 at P21,000 ang bayad sa mga dayuhang sex workers.
Nahaharap naman sa reklamo ang nasa 20 parokyano na naaktuhan sa prostitution den nang isagawa ng raid.
Samantala, walang business at occupancy permits ang establisyimento kaya posibleng kasuhan ang may-ari ng gusali.