Ai Ai pumila sa pagbili ng ticket sa event ni Park Seo Joon

Pumila ang komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas para bumili ng ticket sa fan meeting event ng Korean actor na si Park Seo Joon.

Sa Instagram, nag-post si Ai-Ai ng video kung saan makikitang nakapila siya kasama ang anak na si Sophia.

Hindi alintana sa mag-ina ang nararanasang pag-ulan habang nakapila para lamang makabili ng VIP ticket.

Sumabay din ang mag-ina sa napakahabang pila ng mga tagahanga na kukuha rin ng ticket sa event.

Lalo namang humanga ang mga tagahanga at follower sa social media ni Ai-Ai dahil sa anila’y pagiging humble nito.

Idaraos ang fan meeting event ni Park Seo Joon sa Mall of Asia Arena sa September 29, 2019.

 

Read more...