UP wagi kontra NU sa UAAP game

Nagwagi ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons kontra sa National University (NU) Bulldogs sa men’s basketball tournament ng UAAP Season 82, araw ng Miyerkules.

Natapos ang laban sa iskor na 80-79 pabor sa Fighting Maroons.

Pinangunahan ni Kobe Paras ang laro matapos makapagtala ng 25 points at 6 rebounds.

Sinubukan pang makahabol ng Bulldogs sa kabila ng pitong puntos na lamang sa huling dalawang minuto ng laro.

Samantala, nakapagtala naman si Dave Ildefonso ng 25 points para sa NU.

Mayroon nang 3-1 win-loss record ang UP habang 0-4 win-loss record naman ang NU.

 

Read more...