MRT-3 may libreng sakay sa mga kawani ng gobyerno ngayong Huwebes

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na libre ang sakay sa MRT-3 ng mga nagtatrabaho sa gobyerno araw ng Huwebes, September 19.

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay para sa mga kawani ng pamahaalan ay mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang libreng sakay ay bilang pakikisa ng DOTr at MRT-3 sa selebrasyon ng ika-119 na anibersaryo ng Philippine Civil Service (PCS).

Para makasakay ng libre, kailangan lamang ipakita ang government ID sa mga tauhan o gwardya ng mga istasyon ng MRT-3.

 

Read more...