Isang bayan sa Surigao Del Sur, niyanig ng magnitude 3.1 at 3.8 na lindol ngayong gabi, Sept. 18

Niyanig ng dalawang magkasunod na malalakas na lindol ang bayan ng Cagwait, lalawigan ng Surigao Del Sur, Miyerkules ng gabi, September 18.

Naitala ang unang pagyanig bandang alas-08:14 ng gabi na may lakas na 3.1 magnitude sa layong 74 kilometer ng silangan bahagi ng Cagwait at may lalim na 8 kilometers.

Makalipas ang 12 minuto, muling naramdaman ang pagyanig sa layong 45 kilometer sa nasabing bayan na may lakas na 3.8 magnitude at 2 kilometers ang lalim nito.

Ang dalawang insidente ng lindol ay parehong tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs wala naman naitalang nasugatan at napinsala ang nasabing pagyaning.

Hindi naman nagdulot ng aftershock ang nangyaring paglindol sa nasabing lalawigan.

Read more...