Special audit sa coco levy funds isinasagawa ng COA

 

Nagsasagawa ng special audit ang Commission on Audit (COA) sa P75-billion coconut levy fund.

Kinumpirma ito ng COA sa pamamagitan ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na nag sponsor sa P12.29 billion budget ng COA para sa susunod na taon.

Sabi ni Sy-Alvarado, inaaral ng mga auditor ang lahat ng issue na nireport tungkol sa katiwalian na maaaring mangyari sa coco levy fund.

Ito anya ang unang pagkakataon na nagsagawa ng special audit sa nasabing pondo, at ito rin ang dahilan kung bakit hindi makapagbigay ng timeline ang komisyon kung kailan matatapos ang audit.

Deklarado ng Korte Suprema ang coco levy fund bilang pondong dapat pakinabangan ng mga magniniyog at para sa pagpapaunlad ng coconut industry.

Read more...