Mataas na opisyal ng NPA naartesto sa Laguna

Naaresto ng mga otoridad sa Laguna ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA).

Nadakip ang suspek na si Antonia Setias Dizon, 60 anyos sa San Pedro City, Laguna, Martes (Sept. 17) ng gabi.

Dinakip si Dizon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ni Acting Executive Judge Lou Nueva ng Regional Trial Court Branch 7 ng Bayugan City, Agusan del Sur.

Si Dizon ay kalihim ng National Organizing Department (NOD) ng CPP/NDF/NPA.

Nakuha sa bahay ni Dizon sa Barangay San Rosario ang isang cal 380 pistol na may lamang mga bala, 48 piraso ng bala para sa cal 380, 10 piraso ng blasting caps at wirings, dalawang mobile phones, isang laptop at mga dokumento.

Read more...