M4.3 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-2:45 Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 195 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 101 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Bagaman may kalakasan, nasa tubig ang lindol kaya’t hindi ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...