Scarlet Snow bagong tourism ambassador ng bansa

Screengrab of Sec. Puyat video

Mas marami pa ang makakakita sa cuteness ni Scarlet Snow.

Ito ay matapos piliin ng Department of Tourism (DOT) ang 4-anyos na social media star bilang pinakabagong tourism ambassador ng bansa.

Sa Instagram post ni Scarlet, araw ng Martes, makikita siyang kasama si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at ang iba pang opisyal.

Sa post naman ni Puyat, makikita ang kanilang handshake at ang sabay na pagbigkas ng tourism tagline na “It’s more fun in the Philippines”.

Si Scarlet Snow ang pinakabatang tourism ambassador ng bansa at hahanay na sa iba pang sikat na personalidad tulad nina Dimples Romana at Canadian vlogger na si Kulas Jennerman para ibida ang ganda ng Pilipinas.

Ang cute na batang social media personality ay anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

 

Read more...