Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, ang 23 sa 42 na sumuko ay mula sa kanilang listahan na 202 convicts na nakatira sa Metro Manila.
Ang 202 na bilanggo na nasa listahan ng NCRPO ay kasama sa 1,914 na mga convicts ng heinous crimes na pinasusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte para ma-recompute ang kanilang time allowances.
Umapela naman si Eleazar sa mga bilanggo na nasa kanilang listahan na bulontaryong dumulog sa kahit saang police stations na sakop ng NCRPO habang hindi pa tapos ang ibinigay na palugit ng pangulo.
Sinabi rin ni Eleazar na itinurn-over na nila ang 42 sumukong mga bilanggo sa Bureau of Correction (BuCor).
Ang nasabing bilang ang pinakabagong tala ng NCRPO na inilabas Martes ng gabi.