Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 685 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.
Ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang mga pag-ulan ang mararanasan sa Central Luzon, Batangas, Cavite, Occidental Mindoro, northern portions ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang pag-ulan din ang posibleng maranasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababa at delikadong lugar na mag-ingat sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon.