Kamara walang planong ipahinto ang excise tax sa langis

Kasunod ng pagpapasabog ng mga planta ng langis sa Saudi Arabia, walang plano ang Kamara na alisin ang ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo.

Ayon kay House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda, mayroong batas kung saan nakasaad kung kailan maaaring suspendihin ang pagpapataw ng buwis sa langis.

Base anya sa ilalim ng TRAIN Law 1, maaari lamang ihinto ang pagpapataw ng excise tax sa langis kapag umabot na sa $80 ang kada bariles ng Dubai crude oil base sa Mean of Platts Singapore.

Ito anya ay kung nangyari ang pagtaas tatlong buwan bago ang nakatakdang pagtaas sa presyo ng langis.

Iginiit ng mambabatas na kung ipasususpendi nila ngayon ang pagpapataw ng excise tax sa petrolyo ay mangangailangan ng pag amyenda sa kasalukuyang batas.

 

Read more...