LPA sa Batanes isa nang ganap na bagyo

Inquirer file photo

Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang sama ng panahon ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, naging tropical depression ang sama ng panahon sa Silangang bahagi ng Basco, Batanes bandang alas dos ng hapon.

Kasunod nito, sinabi ng weather bureau na papangalanan ito bilang Tropical Depression ‘Nimfa.’

Nakataas naman ang yellow rainfall warning sa bahagi ng Northern Palawan bunsod ng southwest monsoon o habagat.

Sinabi ng PAGASA na mas palalakasin ni Nimfa ang Habagat sa bansa na magdadala ng malalakas na pag-ulan.

Read more...