Bagong pinuno ng BuCor itinalaga na ng Malacanang

Inquirer file photo

Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong pinuno ng Bureau of Corrections.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na itinalaga ng pangulo bilang bagong BuCor Director General si Gerald Bantag.

Ipinaliwanag ng kalihim na mahigpit ang tagubilin ng pangulo kay Bantag na ipatupad ang mahigpit na pagbabantay sa loob ng Bilibid.

Partikular na dito ang pagbabawal sa VIP treatment sa ilang preso na siyang pangunahing ugat ng kurapsyon sa loob ng National Penitentiary.

Si Bantag ay opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology at naging warden ng Manila at Paranaque City Jail.

Read more...