Pangulong Duterte nagtalaga ng bagong opisyal sa PNOC at BTA

Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong board member ng Philippine National Oil Company (PNOC).

Si Michael Ted Macapagal ay hinirang ng pangulo para maging bagong miyembro ng PNOC board of directors.

Si Macapagal ay dating board member ng Clark Development Corporation bago ang appointment sa kaniya sa PNOC.

Samantala, itinalaga din ng pangulo si Atty. Rasol Mitmug Jr. sa Bangsamoro Transition Authority.

Si Mitmug ay dati namang opisyal ng Department of Education sa noo’y Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Read more...