Profile ng isang babae lumitaw sa DNA test sa suspek sa Sulu suicide bombing

Profile ng isang babae ang lumitaw sa resulta ng DNA test na isinagawa ng mga otoridad sa kinuhang specimen mula sa suicide bomber na umatake sa Indanan, Sulu noong September 8.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), “partial female profile” ang nakuha nila sa sinuring DNA samples.

Sinabi ni Lt. Col. Kimberly Molitas, PNP deputy spokesperson, sa kabila nito, hindi pa maaring makapaglabas ng konklusyon na babae nga ang umatake.

Hindi rin nakumpirma sa DNA examination kung ang umatake ay dayuhan o Pinoy.

Una nang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na maaring babae ang suicide bomber base sa appearance ng bahagi ng katawan na nakuha sa crime scene.

Read more...