Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Cebu City nagsimula ang sunog alas 10:15 ng umaga ng Martes, September 17.
Sinabi ni Fire Officer 1 Eary Francis Miaga, desk operator ng BFP Cebu City, agad namang nakontrol ang apoy pero dalawang sasakyan na ang natupok.
Sa pahayag ng mga residente sa lugar, may narinig muna silang pagsabog bago sumiklab ang apoy mula sa isa sa dalawang sasakyan.
Nakaparada lang sa lugar ang dalawang sasakyan.
Wala namang nasaktan sa insidente pero nagtamo din ng pinsala ang isang bahay na malapit sa paradahan.
READ NEXT
Sa unang pagkakataon, panukalang batas para gawing legal ang divorce sa bansa dininig sa Senado
MOST READ
LATEST STORIES