Sa unang pagkakataon, panukalang batas para gawing legal ang divorce sa bansa dininig sa Senado

Sa unang pagkakataon ay dininig ng senadp ang panukalang batas na naglalayong gawing legal ang Divorce sa bansa.

Si Senator Risa Hontiveros ang nanguna sa pagdinig bilang chairperson ng Senate committee on women.

Ayon kay Hontiveros, isang “history in the making” ang panukala.

Ani Hontiveros, ang Divorce bill ay para sa napakaraming kababaihang biktima ng domestic violence at psychological abuse.

Karapatan aniya ng mga ito kabilang ang kanilang mga anak na muling makabuo ng pamilya.

Sinabi naman ni Hontiveros na ang Divorce Bill ay nananatiling “pro-marriage”, “pro-family” at “pro-children”.

Read more...