South Korea kinumpirma ang unang kaso ng ASF sa kanilang bansa

Kinumpirma ng South Korea ang unang kaso ng African swine fever sa kanilang bansa.

Ayon sa Agriculture Ministry ng nasabing bansa, limang baboy ang namatay sanhi ng ASF virus sa isang farm sa Paju City na malapit sa border ng North Korea.

Ginawa ang kumpirmasyon tatlong buwan mula nang sabihin ng Pyongyang sa World Organization for Animal Health na dose-dosenang baboy sa isang pig farm malapit sa border ng China ang namatay sa ASF.

Base sa impormasyon, mayroong halos pitong libong pig farms sa South Korea o 40 porsiyento sa kabuuang livestock industry sa kanilang bansa.

Read more...