“OFW Help” Facebook page inilunsad ng DFA

Inilunsand ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang OFW Help Facebook page.

Layon nitong mabilis na matugunan ang concerns ng mga distressed OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng social media mas mabilis na maipo-proseso ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ang reklamo, sumbong at paghingi ng tulong ng mga OFW.

Batay sa datos, mahigit kalahati ng bilang ng pamilya ng mga OFW ang gumagamit ng Facebook para mapanatili ang komunikasyon sa kanilang mahal sa buhay na nasa abroad.

Sa pamamagitan ng Facebook page na OFW Help, ang mga OFW na walang paraan upang makapunta sa malapit na embahada o konsulada ng Pilipinas ay maaring makipag-ugnayan sa Philippine authorities sa pamamagitan ng FB.

Read more...