Ayon kay Zarate, ngayon pa lang ay tumaas na ang presyo ng gasolina sa P1.40 hanggang P1.60 sa kada litro, P0.70 hanggang P0.80 sa kada litro ng diesel at P0.90 hanggang P1.00 sa kada litro naman ng kerosene.
Maliban dito, ikinakabahala din ng mambabatas ang unbundled data ng oil prices sa bansa kung saan bulag ang mga Pilipino sa presyuhan ng langis at mga produktong petrolyo.
Giit ng kongresista, taong 2017 pa nila hinihingi ang oil pricing data ng mga oil companies para makita kung may over charging ba na ipinapataw pero hindi pa rin ito naisusumite ng 3 big oil companies.
Kaugnay nito, pinakikilos na ni Zarate ang Kamara na dinggin na ang kanilang House Resolution 9 na nagpapaimbestiga sa pricing schemes ng mga oil companies lalo pa ang kasunod na pagpapasabog sa pinakasentro ng Saudi oil industry.