Teaser ng ‘Isa Pa with Feelings’ nina Carlo at Maine inilabas na

Inilabas na ang teaser ng pelikulang ‘Isa pa with Feelings’ tampok sina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Ang pelikula ay binuo sa produksyon ng Black Sheep ng ABS-CBN at kauna-unahang ito ni Mendoza sa Kapamilya Network.

Sa teaser, ipinakilala na ang karakter nina Aquino at Mendoza bilang sina Gali at Mara na nadiskubreng sila ay magkapitbahay.

Mahihinuha sa huling bahagi ng teaser na ‘pipi’ si Gali.

Una nang sinabi ni Prime Cruz, direktor ng pelikula na sesentro ang istorya sa dalawang taong sawi na ipinagtagpo.

Nagtrending sa Twitter ang teaser at pinag-uusapan ngayon sa social media.

Mayroon na ito ngayong halos 580,000 views sa Facebook.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang ‘Isa Pa with Feelings’ sa October 16, 2019.

Read more...