RR Garcia, Davon Potts kinuha ng Phoenix

Tristan Tamayo, INQUIRER.net

Pumirma ng kontrata sa Phoenix ang mga free agent na sina RR Garcia at Davon Potts.

Inunsyo ng Phoenix ang pagkuha nila sa dalawang players sa kanilang Twitter account araw ng Lunes.

Si Garcia na naging Most Valuable Player sa UAAP para sa Far Eastern University ay huling naglaro sa TNT.

Pero isang taon na hindi nakapaglaro ang 29 anyos na guard na pang-anim na overall pick ng GlobalPort sa PBA Draft noong 2013.

Habang si Potts ay hindi nag-renew ng kontrata nito sa Alaska dalawang taon matapos itong mapiling pan-anim sa ikalawang round ng rookie draft.

Umaasa ang Phoenix na mapapalakas nina Garcia at Potts ang backcourt ng koponan matapos silang magtapos sa ika-sampung pwesto sa nakaraang Commissioner’s Cup.

 

Read more...