Palasyo: Robredo puro mali ang nakikita sa administrasyon

Binweltahan ng palasyo ng malakanyang si Vice President Leni Robredo kaugnay sa puna nito na dapat na mag-usap muna sina Pangulong Rodrigo Duterte at Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa mga inilalabas na polisiya o pahayag sa mga isyu na bumabalot sa bansa.

Inihalimbawa ni Robredo ang pahayag ni Pangulong Duterte na isasantabi niya muna ang arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration na hindi kumikilala sa nine-dash claim ng China sa South China Sea para mabigyang-daan ang joint oil exploration deal ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea bagay na pinabulaanan ni Panelo.

Ayon kay Panelo, ang problema kay Robredo ay hindi nakikinig muna sa mga statement ng palasyo at panay paghahanap lamang ng mali.

Pagtitiyak ni Panelo, bukas ang kanyang linya ng komunikasyon sa pangulo.

Palagi anya silang nag-uusap ng pangulo lalo na sa mga mahahalagang isyu.

Aminado naman si Panelo na hindi na sila nag-uusap ng pangulo kapag minor issue lamang ang nakataya.

“Firstly, we talked before I issue a statement. Secondly, the problem with them is they do not listen to official statements issued by this office. They’re always finding fault to what the President says. When he makes an official statement, that is the statement. Important issues, we talk. If there are minor issues, we don’t,” ani Panelo.

Una rito sinabi ni Robredo na maaring nalilito na ang taong bayan dahil sa magkakaibang pahayag nina Duterte at Panelo.

 

Read more...