Burgos, Surigao Del Norte niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 27 kilometers Northeast ng bayan ng Burgos, alas-5:56 hapon ng Lunes (September 16).

May lalim na 27 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks matapos ang malakas na pagyanig
.

Read more...