Agriculture Sec. William Dar umapela sa LGUs na makipag-ugnayan sa kanila kaugnay sa ASF cases sa kanilang lugar

Umapela si Agriculture Secretary William Dar sa mga lokal na pamahalaan na isangguni sa kanila ang hinihinalang African Swine Fever cases sa kanilang mga lugar.

Sinabi ito ni Dar sa panayam ng Radyo Inquirer matapos makumpirma na ASF ang sanhi ng pagkamatay ng baboy sa Quezon City.

Ayon sa kalihim mahalagang malaman ng kagawaran ang ganitong kaso para makagawa ng hakbang at maiwasan ang pagkalat pa ng nasabing sakit sa hayop.

Dagdag pa ni Dar na bagamat hindi nakakahawa sa tao ang ASF wala namang gamot para dito.

Samantala, inulit ng department of health na wala namang dapat ipangamba sa pagkain ng karne ng baboy.

Sa panayam ng radyo inquirer,  sinabi ni health secretary francisco duque na ang kailangan lamang ay lutuing mabuti ang karne.

Read more...