DA nakatikim ng sumbat kay Sen. Migs Zubiri sa pagpasok ng ASF sa bansa

Binalikan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Department of Agriculture (DA) kaugnay sa pagkamatay ng libo libong baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Zubiri sa pagdinig ng Committee on Agriculture, noong Marso pa lang ay pinagsabihan na niya ang kagawaran na huwag nang magpapasok ng mga karne ng baboy mula sa mga bansa na may ASF epidemic.

Magugunita na ang pagdinig noong Marso 20 ay para hindi na makapasok sa bansa ang nakakamatay na virus sa mga baboy.

Dagdag pa nito, binalaan na niya ang mga kinauukulang ahensiya na magiging malawak ang idudulot na negatibong epekto ng sakit sa ekonomiya ng bansa.

Aniya hihingi siya ng kasagutan at paliwanag sa lahat ng mga kinauukulang ahensiya kung bakit nakapasok sa bansa ang sakit.

Higit sa 7,000 baboy sa Bulacan at Rizal ang namatay na dahil sa ASF.

Read more...