Mga baboy sa isang Brgy sa QC pinatay dahil sa ASF

Isinailalim sa culling operation ang hindi bababa sa limampung baboy sa Quezon City.

Ito ay matapos magpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang natagpuang labing-isang patay na baboy sa bahagi ng Barangay Bagong Silangan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang culling operation ay bahagi ng kanilang standard operating procedure para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa ibang lugar.

Agad dumaan sa culling process ang mga baboy na pasok sa one-kilometer raduis sa lugar.

Nangako naman ang City Veterinary Office na mas paiigtingin nila ang pagtutok sa mga pampublikong pamilihan at slaughterhouse para hindi na makapasok ang baboy na kontaminado ng ASF.

Read more...