Bangayang Poe, Tugade, tigilan na sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo

NAKALULUNGKOT isiping sa nakaraang tatlong taon, walang nangyari para solusyunan ang traffic sa EDSA.

Naulit lang ang diskus-yon nina Sen. Grace Poe at Transportation Secretary Art Tugade sa master plan sa paglutas ng traffic.

Sabi ni Poe, wala raw plano at wala ring “eksperto” para ipatupad ito. At pareho noong 2016, “dream plan” ito nina Tugade at hindi pa rin siya kumbinsido.

Kinuwestyon niya ang ilang plano na walang kaugnayan sa trapiko tulad ng “face recognition software” at iba pa.

Ayon pa kay Poe, hindi siya ang nasa “driver’s seat” sa gobyerno at di siya dapat sisihin sa traffic. Bukod diyan, si Tugade raw ay underperforming sa kanyang papel bilang traffic czar sa Metro Manila.

Sagot naman ni Tugade, hindi niya trabaho ang magbigay solusyon sa trapiko kahit saklaw ng DOTR ang LTFRB at LTO.

At kahit walang emergency powers, gumagawa sila ng “infrastructure” para maibsan ang problema sa EDSA. Kabilang dito ang pagsasaayos ng MRT 3, extension ng LRTI 1 at LRT2, Mega subway at iba pa.

Kung nabigyan daw ng “emergency powers” noong 2016, tinatamasa na sana natin ang solusyon. Ayon pa kay Tugade, masyadong bilib sa sarili itong si Senator Poe.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, sinadya niyang hayaan ang EDSA dahil hindi pa nagsisimula ang “project”, sinasabi na ni Poe na mako-corrupt yan.

Ayon sa pangulo, meron na ngang solusyon sasabihin eh corruption. Iyan ang “legacy” niya, “legacy ng pagka-pulitiko. Anya pa “hindi lahat ng tao sa gobyerno ay magnanakaw”.

Kaya naman, “back to zero” ang isyu ngayon sa EDSA gridlock at kulang na sa tatlong taon na lang ang Duterte administration, at hindi pa rin maayos . Binalak disiplinahin ang mga “provincial buses”, meron agad TRO sa mga korte.

Kailangan na talaga ng “emergency powers” dahil ekstraordinaryo ang sitwasyon sa EDSA. Distansyang 23.8 kilometers lamang mula Bonifacio Monument hanggang Pasay Rotonda na dumadaan sa anim na lungsod ng Metro Manila.

Dapat tirahin ng emergency powers ang mga public utility vehicles partikular ang mga bus sa Edsa. Sa ngayon kasi, napa-kagulo ng mga “prankisa” at ruta ng mga bus.

Kung pupwede, dalawa o apat na lang ang bus operators sa EDSA at ang ibang bus ay ilipat. Kapag dalawa o apat lang ang bus lines, mas magiging disi-pilinado at gaganda ang kita ng mga bus drivers kung swelduhan na at hindi boundary system.

Maipapatupad din ang “rapid bus system” tulad ng nasa ibang bansa kung saan magiging nasa “oras” ang sasakyan nating bus sa EDSA.

Maski sa secondary roads, ganoon din ang gawin, dalawang bus ope-rators para maipatupad din ang “rapid bus transit system” sa kahabaan ng Quezon Ave., Aurora Blvd. Ortigas ave.,Taft Ave., Shaw blvd, Rizal ave, E.Rodriguez na tumatawid sa EDSA.

Alisin din ang lahat ng mga terminal ng provincial buses sa EDSA at kung matutuloy ang plano ng San Miguel Corporation, lahat ng kanilang mga pasahero ay ibaba sa gagawing “Pandacan bus and foot station” na dating oil depot sa Maynila. Ang terminal na ito ay magiging bahagi ng SKYWAY 3 project na magkokonekta sa Balintawak ng NLEX at Buendia sa SLEX.

Marami pang pwedeng gawin para maibsan ang traffic sa EDSA pero sana, magtulungan itong sina Senator Grace Poe at Art Tugade, hindi magbangayan!

Read more...