Nilinaw ng Department of Agriculture na confined lamang sa ilang mga lugar sa Rizal at Bulacan ang African Swine Fever (ASF) outbreak.
Ito ay base sa pagpapatuloy ng mga eksaminasyon ayon kay Agriculture spokesperson Noel Reyes.
Kabilang sa mga lugar na may ASF outbreak at ang mga bayan ng Rodriguez at Antipolo City sa Rizal at bayan ng Guiginto sa Bulacan.
Sa Rodriguez, Rizal ay apektado ng ASF ang mga baboy mula sa Barangay Mascap, San Jose, Macabud, San Isidro, Geronimo at San Rafael.
Sa Antipolo City ay ang Barangay Cupang samantalang ang Brgy. Pritil naman sa bayan ng Guiginto sa Bulacan.
On the other hand, the San Mateo Slaughterhouse in Rizal and “an animal stockyard in Barangay Pritil in Guiguinto, Bulacan” were also on the list.
Gayunman ay nilinaw ng opisyal na tuloy pa rin ang kanilang monitoring sa iba’t ibang lugar ng bansa lalo’t kapag may natatanggap silang ulat na pagkamatay ng ilang mga baboy.
Umapela rin ang opisyal sa mga hog raisers nah wag itapon sa mga ilog ang mga baboy na namatay dulot nang kung anumang sakit para maiwasan ang pagkalat ng virus sa kapaligiran.