Pormal nang nagbitiw bilang nominee ng Duterte Youth Partylist ang kanilang first nominee na si Ronald Cardema.
Sa kanyang pagbaba sa pwesto ay sinabi ni Cardema na nagpasya siyang gumawa ng “personal sacrifice” dahil sa umano’y pangha-harass sa kanya ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.
“(W)ith all humility I withdraw from my nomination to sacrifice myself for our party-list so that the Comelec can immediately release the Certificate of Proclamation of the Comelec-approved succeeding nominee and to give justice to the votes of 350,000 Filipinos whom we desire to immediately serve with their needed medical assistance, requested patriotic projects, and activities for nation-building,” ayon kay Cardema.
Tinawag naman ni Guanzon sa kanyang Twitter post na “stupid” ang pagsasangkot sa kanya ni Cardema sa isyu.
Nauna nang sinabi ni Guanzon na disqualified na si Cardema sa pwesto dahil over-aged na ito bilang kinatawan ng youth sector.
Noong buwan ng Agosto ay nagdesisyon ang 2nd Division ng Comelec na i-disqualify si Cardema dahil lampas na ang kanyang edad na maging kinatawan ng nasabing sektor na limitado lamang sa hanggang 30 taong gulang.