Halos 30 minuto iprinisenta ni Vice President Leni Robredo ang mga proyekto at programa ng kanyang opisina at marami sa mga ito ay para sa mga mahihirap na Filipino.
Matapos ang presentasyon, nagmosyon na si Senate Minority Leader Juan Miguel Zubiri naaprubahan na ng komite ang hinihinging budget ng OVP at gawing bukas pa ito para madagdagan.
Ngunit humirit pa si Senate Minority Leader Frank Drilon at inihalintulad ang daan na tinatahak ngayon ni Robredo sa naging sitwasyon ni dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ito ang bise presidente ni Pangulong Carlos Garcia.
Ayon naman kay Robredo malaking tulong sa kanila ang anuman idadagdag sa inihirit nilang pondo.
Sinabi nito sa ngayon ang mga pribadong sektor ang tumutulong sa kanilang mga programa, partikular na ang Angat Buhay Village sa Marawi City.
Kaugnay naman sa paghalintulad sa kanya kay Macapagal, na kinalaunan ay naging pangulong din ng bansa, sinabi ni Robredo na ayaw niyang tanawin na ang eleksyon sa 2022 sa pangamba na maapektuhan ang kanilang mga proyekto.