"None of us can do this alone." —@POTUS on working together to #StopGunViolence https://t.co/p3U9x4logO
— The White House (@WhiteHouse) January 5, 2016
Naging emosyonal si US President Barack Obama sa pagharap niya sa media para talakayin ang gun control.
Bago humarap sa media, nagsalita muna si Mark Barden na ama ng batang si Daniel na isa sa mga nasawi sa 2012 massacre sa Sandy Hook Elementary School sa Connecticut. Si Barden ang nag-introduce kay Obama para sa kaniyang speech.
Habang tumutulo ang luha, sinabi ni Obama na nagagalit siya tuwing maaalala niya ang sinapit ng mga biktima sa pamamaril sa Sandy Hook. “Every time I think about those kids, it gets me mad,” ayon kay Obama.
Sa kaniyang pahayag sinabi ni Obama na sa nakalipas na isang dekada, umabot sa 100,000 katao ang nasawi dahil sa gun violence. Binanggit nito ang mga lugar na Columbine, Blacksburg, Newtown, Aurora, Tucson, Oak Creek, Charleston at San Bernardino na pawang dumaranas ng karahasan dahil sa maling paggamit ng baril.
Iniisa-isa din ni Obama ang datos ng karahasan na resulta ng iresponsableng paggamit ng baril sa Amerika.
Mahigit apat na milyon aniyang katao sa Amerika ang biktima ng robberies, assault at iba pang krimen. Mahigit 30,000 ang bilang ng gun deaths kada taon, mahigit 20,000 ang batang edad 18 pababa ang nasawi dahil sa pamamaril sa nakalipas na siang deklada, mahigit 20,000 rin ang bilang ng mga Americans na nagpapakamatay gamit ang baril taon-taon, 466 ang bilang ng mga law enforcement officers na napatay.
Sinabi rin ni Obama na tatlong araw lamang ang itinatagal para mapagbentahan ng baril ang isang tao kahit hindi kumpleto ang isasagawang background check dito.
Bilang aksyon upang mapababa ang insidente ng mga gun violence sa Amerika, mas hihigpitan ang mga alituntunin sa pagbebenta ng baril.
Ang Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives (ATF) ang magtitiyak na ang mga gun dealers ay dapat may karampatang lisensya at nagsasagawa ng background checks sa mga bumibili.
May binubuo rin aniyang alituntunin ang ATF para sa i-require ang background checks sa mga taong gustong bumili ng mga dangerous weapons at iba pang armas.
Inaayos na rin ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang kanilang background check system para mas maging epektibo. Kabilang sa gagawing improvement ang pagpoproseso ng background check requirements ng 24/7 at ang mabilis nap ag-notify sa mga local authorities kapag mayroong taong may kasalukuyang record sa FBI at nagtangkang bumili ng baril.
Kukuha din ang FBI ng dagdag na 230 na examiners at staff.