Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa bahagi ng IBP Road sa Quezon City, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima na si Abner Nano, 54 anyos at isang dating seaman.
Naglalakad lamang si Nano sa bahagi ng IBP Road nang ito ay tambangan ng hindi nakilalang suspek.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na agad nitong ikinasawi.
Ayon sa anak ni Nano na si Princess Anne Alpaparo, tanging ang kapatid na babae ng kaniyang ama ang alam nitong kaalitan niya.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon sa insidente at follow up operation sa tumakas na suspek.
MOST READ
LATEST STORIES